Biyernes, Oktubre 09 2009

Bagyong Ondoy

Sobra ang bahang inabot naming mga taga-Rizal noong nakaraang Sabado dahil sa bagyong Ondong. Umabot ng lampas ng tao sa bandang Cainta, Rizal na kung saan ang pinakamataas na bahang nalikha dati ay hanggang binti lamang. Tuluy-tuloy din ang agos ng rumaragasang baha sa Marikina City. Halos mabura sa mapa ng Pilipinas ang buong siyudad. Nilamon ng tubig baha nya ang buong ilog nito. Nasaan ang pinagmamalaking Metro Gwapo ng isang politician na nagkalat ang pagmumukha sa mga tarpauline sa EDSA na mahilig sa pink na kulay? Nasaan siya ng nagsisimulang lumalim ang tubig sa Marikina na pinamumunuan ng kanyang maybahay? Andun...nagkakamot at nagpapalaki ng itlog! Tapos gusto pa nyang tumakbo sa pagka-pangulo? TANGINA MO! Wag ka lang madaan-daan sa harap ko't sisipain talaga kitang mayabang na kupal ka!!!
Puro ka lang yabang. Kung magyayabang ka sa susunod, ayusin mo na lang sarili mo, yung mga punyetang tarp mo sa EDSA e pagtatanggalin mo na. Di nakatulong ito kundi dagdag pa sa basurang kumalat ng dumaan ang bagyo. Punyeta ka!

Nasabi rin sa akin, di naman daw babaha ng ganung kataas at walang karaming tao ang mamamatay kung di daw nagpakawala ng tubig ang malalaking DAM. Sa dinami-dami ng araw na pwede silang magpakawala ng tubig ang DAM, kung bakit itinaon pa na noong kasagsagan ng bagyo e saka dun sila nagpakawala. Imposibleng di nila alam na tag-ulan ngayon?!? Nasaan ba utak ng mga taong nasa likod nito? Nasa taas ba? O parang katulad lang sila ng humahawak sa kanilang politician na nagpapalaki rin ng bayag? Palibhasa kasi, di sila naaapektuhan dahil nasa loob sila magagara nilang mansyon na nakurakot din nila sa masa. Tapos kung kelan din nagkakaroon ng delubyo, saka di gagana ang mga cell sites para maka-usap ang mga kapamilya. Bakit ganun kayo? Mga tanga ba talaga kayong mga namumuno sa amin? Anong klaseng mga tao kayo? Tao nga ba kayo? E bakit wala kayong malasakit sa kapwa nyo at pinagpapatuloy nyo ang inyong mga pangungurakot?

Ngayong tapos na ang bagyo at may mga parating pa, nakikita nyo na ba ang mga napinsala? HINDE! Tangina! Sasagip lang kayo ng tao, may kamera at media pa kayong kasama? Anong klaseng palabas yan? GAGO!

Mag-iingat kayong mag politiko, kapag nagsimulang magutom ang mga tao dito sa Pilipinas, magsisimula ang civil war na pagde-deklarahan nyo ng martial law. Di titigil ang ilan para maialis kayong lahat sa panunungkulan at balatan na lang kayo ng buhay at lagyan ng asin ang buo nyong katawan.

Sa lahat ng mga nasalanta ng bagyo, kasama na ako, mga tol, walang tutulong sa inyo para makabalik sa dating kinalalagyan nyo kundi ikaw lang din mismo. Kailangang tanggapin nyo ang malupit na katotohanang nangyayari sa atin. Tumayo tayong muli dahil wala tayong mapapala sa mabubulaklak na mga pangako ng mga punyetang politiko na kundi dahil din sa atin e wala rin ang mga yan.

At pwede ba, wag nyo ng ibalita sa punyetang isyasyon ng telebisyon ang mga artistang nasalanta. Wala naman mawawalang pera para kaawaan ang mga yan. Bakit di nyo i-focus ang pagtulong sa mahihirap kesa sa ibalita ang artistang si ganito na nawalan ng kotse mamahalin sa baha o sa artistang bumili ng bagong bahay sa mas mataas na lugar dahil binaha ang milyon nyang bahat sa Marikina. Shit namang istasyong yan. Di nyo ba naisip na mas magagamit ang oras para ipakita sa buong mundo ang nasalanta nating bansa para may magawa tulong ang ibang bansa para sa atin?

Grabe! Ang daming nawawala ang utak sa panahong ito. May iba, nasa kasagsagan ng bagyo nagtatapon ng balat ng kendi at upos ng sigarilyo sa daan. Disiplina na rin, kaya tayo binaha dahil ang ilang sa atin, di nila alam ang tinatawag na responsibilidad.

Biyernes, Agosto 07 2009

Paalam, Tita Cory.

Ika-1 ng Agosto, 2009. Nagitla ang lahat. Patay na Ina ng Demokrasya. Colon cancer ang tumupok sa kanyang butihing katawan. Ang nag-iisang si Corazon Aquino.

1986, wala pa akong malay ng mga panahong ito, ngunit ano naman ang aasahan mo sa isang batang pasit na limang taon gulang lamang, aanga-anga pa, para malaman ang kanyang na-experienced noong panahong ito. Natandaan ko lang na habang naglalaro ako, merong mga eroplanong pandigma ang nakapukaw ng aking atensyon. Lima ito, sunod-sunod na lumilipad. Maski na ang mga helicopter, nagdadatingan. Papunta sila sa isang lugar...

EDSA.

Makikita rin sa telebisyon noon, nasabi naman ng Misis ko habang naglalaba, maraming tao nga at nagsisigawan sa isang lugar kung saan may nakatayong isang rebulto ng Inang Maria. Sa paligid, mga pangkaraniwang tao. Bata, matanda, mayaman, mahirap, pari, madre, gurolahat na! Naka-kapit bisig, para harangan ang mga tangke. May dalang bulaklak, para sa mga nagkalat na sundalo. Ano ang meron sa panahong ito?

Pagkakaisa.

Ngayong, ganap ng nakahimlay si Madam Cory, ka-jamming na nya marahil ang kanyang asawang si Ninoy, walang sakit, walang paghihirap, wala na kung ano pa man. Sa kanyang pag-bye-bye! muling nagkaisa ang buong sambayanan para muling pukawin ang nawawalang alab ng puso na hindi kinakitaan sa mga sumunod na EDSA Revolution.

Naks! Sana lagi na lang ganito. Pero, di ninyo ba napapansin? Karaniwang pumapanaw ay yung mga masasabi natingummabubuti? Meron bang ibig ipahiwatig si Bro sa pagkuha Niya sa kanila ng maaga sa dapat nating asahan?

Sabi nga nila, ang mga masasamang damo ay matagal mamatay. Sa ganang akin, ayaw pa silang kunin ni Bro dahil binibigyan Niya pa ito ng pagkakataon. Ano ang ibig sabihin nito? Magbago na kayo! Dyahe naman kung haharap ka sa Kanya na napakarumi dahil sa iyong mga kasalanan.

Anyways, paalam Tita Cory. Hanggang sa muling pagkikita!

Linggo, Hunyo 28 2009

REKLAMOK!

matrapik sa kalsada, nakalamukos ang mga mukha ng mga nakakasalubong kong tao, nakakalat na basura sa EDSA pagbaba sa MRT station, maingay na MMDA habang nangongotong sa isang FX driver, walang puknat na korapsyon sa politika, lumalaking bilang ng A[H1N1] virus pero mas matinding pumatay ang duenge fever na di nila pinapansin, lubak ang daang puno ng tubig baha, nagyoyosing mama sa loob ng dyip na may karatulang "NO SMOKING", pagtapak sa damuhan na may nakalagay na karatulang “DON’T STEP ON THE GRASS”, pag-ihi ng isang lalaki na parang aso sa pader, pamamalimos ng mga batang pulubi habang nagtsi-tsismisan ang mga matatabang parang balyena nilang mga nanay, walang trabaho ang maraming Pinoy, mga isnatcher ng bag, akyat-bahay gang sa gabi na minsan tumitira sa umaga, mga rapist na nagkalat kasama na ang mga bugaw, ang pinalaking isyu ng Hayden-Katrina scandal para di mapansin ang nagugutom na bansa, ang umaastang manager na akala mo mataas pa sa manager kung manindak, papanipis na ozone layer na nagiging sanhi ng global warming, walang malay na pusa o aso na bigla na lang tatawid at masasagasaan ng sasakyan, mga teroristang tanga na wala ng ginawang maayos kundi mag-giyera, estudyanteng inuuto ang mga magulang sa bukid para makakuha lang ng pera at tamad na rin silang mag-aral at inuuna ang bisyo, nagkalat na naglalakihang billboard na wala namang silbe sa pag-unlad kundi balakid pa kapag bumagyo, masikip na daan pero kung luwagan man iiwan ang mga nakakalkal na lupa at sa tabi lang itinatambak, mga mag-asawang nag-aaway dahil sa pera, mag-syotang nagtitirahan sa madidilim na lugar, mga titser na nagtitinda ng tocino sa klase, vigilante na di mo alam talaga kung mabuti o masama, vandalism sa mga pampublikong banyo o kahit sa pribado man, mataas na tuition fee sa walang matutunang paaralan, nagsusulputang tinatawag na iskwelahan sa ilang buildings, walang gamot sa AIDS, mga kaawa-awang OFW sa ibang bansa, makapal na usok para magkaroon ka ng lung cancer, maliit na sweldo sa kada anim na buwang kontrata sa trabaho dahil sa letseng mga agency, nagtatayugang mga malls na walang Pilipinong nagmamay-ari kundi mga Intsik, patay na ilog Pasig, patay na kagubatan, pagka-ubos ng puno para gawing toothpicks, taas-babang presyo ng bilihin at petrolyo, pag-aaway-away ng mga Muslim at Kristiyano, ginagawang wasteland ng Japan ang Pilipinas, mga prostitute sa Cubao, mga batang humihithit ng rugby at tumitira ng marijuana, teenager na nagyo-yosi, ang crab mentality, at para saan ang CON-ASS, posteng tinutukuran lang ng bakal para tumayo ng maayos, mahihinang konstruksyon ng mga flyover o building, tumutulong bubong ng iskwelahan kapag umuulan, mabagal na proseso ng mga papeles sa mga ahensya ng pamahalaan at bibilis lang kapag may “padulas”, kulang sa budget para sa mga baranggay, mahal na pamasahe mapa-dyip man o bus, ang tumaob na MV Princess of the Stars na wala yatang balak iahon, sa mga babaeng maganda e nagmamaganda pa na akala mo artista, sa mga nagsisiga-sigaan, ang walang silbing pag-alipusta sa pangkanta ni Martin Nievera ng “Lupang Hinirang” sa laban ni Pacquio, ang trip na pagpalit ng watawat ng Pilipinas, sa mga umaastang mayaman e mahirap pa naman, sa mga mahirap na may pambili pa ng cell phone at Ipod, ginawang parliamentary ang government system natin na galing democratic, sa mga pulis o sa mga kasundaluhan at sa iba pang mga naka-unipormeng tao na halos akala mo nakatungtong sa pinakamataas na building sa mundo at di sila malapitan, sa mga taong nakakulong sa selda na wala naman kasalanan, utang na di mabayad-bayaran, panghihiram ng gamit o pera at wala ng solian pa, mga papaubos na lahi ng hayop, mga taong ang ugali ay pang-hayop, mga dura sa lansangan at sipon, tirador ng pagkain sa mess hall ng opisina, mga lasenggo at sunog baga na nakahambalang sa kalye, ayaw mag-abot ng pamasahe mo sa loob ng dyip, pagtakbo ulit ni Erap bilang presidente sa 2010, umaagos na tubig sa butas na tubo ng NAWASA, maduming tubig galing din sa tubo ng NAWASA, maling pag-kansela ng walang pasok tuwing tag-ulan, duon sa namamaril ng mga ibon at sa iba pang hayop, tira-tirang pagkain mula sa mga fastfood at iba pang restoran dahil sa maaarteng costumers, nauusong buntis sa mga kabataan, ang mga sindikatong kinokontrol ang lipunan dahil sa salapi, buwakaw sa bola ng ilang NBA/PBA players, paglustay ng sweldo sa mga nakaka-adik na sugal, pagiging artista pa yata ni Aling Dionisia at gusto namang tumakbo ni Manny bilang pangulo ng Pinas, para saan naman ang mga TV ratings-ratings na yan, sobrang haba ng mga komersyals na yung iba wala naman kapupulutan ng aral, maling pagtrato sa pamilyang Failon noong panahon ng kanilang krisis dahil sa napakabubuti nating mga kapulisan, pagkanta ng mga artista na lip sing or ibang boses ang ginagamit at tilian ng tilian ang mga tangang fans, expired na mga gamot na binebenta pa sa ilang botika, kumakain ng load ang mga cell phones at internet providers, mabagal na DSL na sinasabing parang lightyears ang bilis, nagwewelgang mga guro, mga ambulant vendors na nagkalat sa daan, mahinang industriya ng komiks, puro re-make ng mga Tsinovela ang mga palabas sa TV, pag-utot sa loob ng elevator at ilang pambulikong lugar, mga satanista at anti-kristong naghahasik ng lagim sa mundo, ang pakikiapid o pangangaliwa, nagsisimba ka pa tuwing Linggo tapos magmumura ka lang pagkalabas mo, pumunta ka sa simbahan na halos makita na ang kaluluwa mo dahil sa ikli ng damit mo, di nga tatakbong presidente si Gloria pero trip naman nyang maging congressman sa lalawigan ng Pampanga, kinulayan ng green ang bahay ni Rizal na ating bayani, paggamit ng dinamita’t cyanide sa pangingisda, pagtapon ng mga langis sa dagat, pamimirata ng mga program sa computer at iba pang mga pwedeng gawin o i-burn tulad ng musics at movies sa CD/DVD, di pagtupad sa batas trapiko, pagmamaramot ng kaalaman sa iba, at napakarami pang iba…

Miyerkules, Hunyo 10 2009

TIPS TO WAKE YOURSELF UP!


Obviously para ito sa mga pang-gabing trabaho, like call center agents, factory workers, security guards, akyat-bahay gangs, etc. Makikita rin ang iba ko pang comic strips sa izketz.deviantart.com
Tara, bisitahin nyo na!

Huwebes, Abril 16 2009

BUWAYA!!!




Ano ang tinatawag na obstruction of justice? Meron ba talaga nito? Nage-exist ba ito sa ating lokal na batas? Kung sakali mang nage-exist ito, kailangan bang pabarubal na hatakin na lang ang nagkakasala “kuno” ng ganito ng mga tinaguriang nagproprotekta ng bayan na mga pulis? Bakit ko sinasabi ito, trip ko na naman bang mabuwang o dahil meron akong nakitang kaganapan na nagkataong mali sa aking pananawa? Kung ano pa man ang aking opinyon sa lagay na ito e, bahala na rin kayong mag-isip. Ang sa akin lamang ay naipahayag ko ang sinisigaw ng puso sa aking utak na pilit na kumakawala para ibahagi sa internet! So, let’s go…

Sa aking pagdating mula sa nakakarimarim…nakakarimarim?...na trapik na kung saan di ko malaman ang lintek na dahilan, napansin ko kaagad ang balita. Buntis daw si Angel Locsin kay Sam Milby! O e ano? Pero ang tunay na pumitik sa kamalayan ko ay ang pagpanaw ng asawa ni Ted Failon. Bakit? Marami ang istoryang bumalot sa pagpanaw ng ginang. Merong mga kwento na nagpakamatay, na may pumatay, etc. na kung e-elaborate ko e magiging isa akong imbestigador…ay no thanks! Maliit lang pala ang ilong ko! WHAHAHA! Mas magandang pakinggan kung detektib. Pero di nga tayo kailangang ma-elaborate, hayaan na ang ibang kulokoy na gumawa nyan. Pasukin na natin ang business na obstruction of justice.

Meron akong nakita sa internet tungkol sa topic na ito pero medyo…uhurm…dumugo ilong ko...TISSUE!!!

Punzi's Corner

eto ang halos buo nyang blog...

There is such an offense and this is covered by Presidential Decree No. 1829.

To start, this crime does not involve preventing Supreme Court, Court of Appeals, Sandiganbayan and other justices from arriving at their respective destinations, as the offense suggests. Section 1 thereof states that a penalty is imposed upon any person who knowingly or wilfully obstructs, impedes, frustrates or delays the apprehension of suspects and the investigation and prosecution of criminal cases by committing any of the following acts:


(a) preventing witnesses from testifying in any criminal proceeding or from reporting the commission of any offense or the identity of any offender/s by means of bribery, misrepresentation, deceit, intimidation, force or threats;

(b) altering, destroying, suppressing or concealing any paper, record, document, or object, with intent to impair its verity, authenticity, legibility, availability, or admissibility as evidence in any investigation of or official proceedings in, criminal cases, or to be used in the investigation of, or official proceedings in, criminal cases;

(c) harboring or concealing, or facilitating the escape of, any person he knows, or has reasonable ground to believe or suspect, has committed any offense under existing penal laws in order to prevent his arrest prosecution and conviction;

(d) publicly using a fictitious name for the purpose of concealing a crime, evading prosecution or the execution of a judgment, or concealing his true name and other personal circumstances for the same purpose or purposes;

(e) delaying the prosecution of criminal cases by obstructing the service of process or court orders or disturbing proceedings in the fiscal's offices, in Tanodbayan, or in the courts;

(f) making, presenting or using any record, document, paper or object with knowledge of its falsity and with intent to affect the course or outcome of the investigation of, or official proceedings in, criminal cases;

(g) soliciting, accepting, or aggreeing to accept any benefit in consideration of abstaining from, discounting, or impeding the prosecution of a criminal offender;

(h) threatening directly or indirectly another with the infliction of any wrong upon his person, honor or property or that of any immediate member or members of his family in order to prevent such person from appearing in the investigation of, or official proceedings in, criminal cases, or imposing a condition, whether lawful or unlawful, in order to prevent a person from appearing in the investigation of or in official proceedings in, criminal cases;

(i) giving of false or fabricated information to mislead or prevent the law enforcement agencies from apprehending the offender or from protecting the life or property of the victim; or fabricating information from the data gathered in confidence by investigating authorities for purposes of background information and not for publication and publishing or disseminating the same to mislead the investigator or to the court.

Sa mga nabanggit na ito sa itaas, meron ding mga halimbawa, na kung i-English-in pa natin e lalong magpapadugo ng ilong nyo so hayaan nyong ako na lang ang maglahad ng halimbawa sa wikang Pinoy na ayon sa aking pagkakaintindi:

(a) sa mga witness na naduwag at di na um-attend sa mga hearing dahil sa tinakot. Pwede ring sa pagbibigay ng maling instruktyon.

(b) eto malupit ito, sa mga CSI fans, paglilinis ng crime scenes, o pagtatago o pagtatapon ng mga gamit sa crime scenes.
(c) pagbibigay ng safe house sa mga lintek na mga criminal

(d) yung pagpapalit ng pangalan in public, yung bigla na lang naiba. Hmm. Something familiar…

(e) pasaway para lang di matuloy ang pot session, este, hearing pala.

(f) paglalagay ng pirma o ng iba pang specimen sa loob ng ebidensya para lang madiin ang suspect/biktima

(g) pangbibigay ng “lagay”…sa lagay ba e, lagay-lagay na lang

(h) pananakot sa witness para maduwag, teka, parehas lang ito ng letter (a) sa itaas.

(i) pagbibigay ng mapa na papuntang Quiapo pero ang crime scene e nasa Mindanao.

Tanong? Kung ihahalimbawa natin ito sa nangyari sa pamilyang Failon, kung saan ang mga kapamilya e pumunta lamang sa ospital upang alalayan ang mga naiwan, e huhulihinpa ng mga pulis sa maling paraan pa?!? kung sakali mang suspect sila, e suspect pa nga lang! HINDI KRIMINAL! Kung makaposas, kung makahatak, kung makabalibag sa loob ng mga sasakyan nila para papasukin ang mga kapamilya ng Failon e parang mga KRIMINAL! Mga BOBO! Nag-aral ba ang tarantadong mga pulis na ito ng kung ano ang kriminal sa suspek? Alam ba nilang sa ginawa nila e pwede silang makasuhan tungkol sa hunan rights? Kung sabagay, kung tatanga-tanga ang lider, imposibleng di mahahawa ng katangahan ang mga subordinates nya. Alam nyo lang ata e magpataba! MAGPATABA! MAGPALAKI NG TIYAN! Sa mga nakita ko sa TV, wala akong nakitang payat sa inyo. Ibig sabihin, nagpapalaki lang kayo ng mga bayag nyo sa loob ng inyong opisina. O kung hindi naman, andun lahat kayo sa kalsada kung saan malaki ang “lagayan” tama ba? LAGAYAN!

PESTE KAYO sa lipunan! Imbes na kayo ang nagpo-protekta, kayo ang naggugulo. Bakit? Dahil ba maraming na-report sa Ted Failon sa mga kabulukan nyo e ganyan kayo magtrato sa kanila! Tsk! Paano pa kaya ang mga ordinaryong nilalang tulad namin.

Naku! Pyesta ang mga utak talangka sa kabilang estasyon ng TV. Tataas na naman daw ang rating nila dahil wala silang pinoprotektahan kuno. Kelangan ko pa bang banggitin ang mayabang sa estasyong ito? Wag na! obvious naman ang kahangalan nila sa mga TV shows nila tuwing tanghali.

Grabe naha-high-blood ako sa nangyayari dito sa Pilipinas!

Miyerkules, Nobyembre 26 2008

Paskong Pinas

Konting araw na lang Pasko na. Hehe! Buhay na naman ang mga mandurukot! Nakakalat ang mga yan, named it! Palengke, sinehan, tindahan, sa pampublikong kubeta, at malala pa sa simbahan. Kahit saan, kahit kelan, maaangasan! Parang yung isang broadcaster sa TV na puro tigidig ang mukha na tinago ng make-up, na nagmo-modulate ng boses na parang tanga! No offense, trip ko lang, tulad ng trip mong manggaya na tigasin ka! Sa mga mamimili para sa Paskong tuyo, mag-ingat at sasalakay sila ng di ninyo namamalayan, parang utot!
Teka? Bakit nga ba merong nadudukutan? Mabibilis lang ba talaga ang mga kamay ng snatcher o sadyang meron lang talagang pinanganak na mga tanga? Isa itong tanong na madali namang solusyunan. Wanna have some tips?Walang problema dyan:
kung magdadala ng pera, kelangang ikalat mo ito sa iyong katawan bukod pa sa pera na nasa wallet. Yung tipong kada bulsa ng damit mo, merong laman. Yung iba kasi, diretso lang sa wallet nila kaya hayun pag merong nagnakaw, tangay lahat ng pera nila.
karaniwang target ng mga magnanakaw e yung magarbo o maayos magbihis, merong mga alahas sa katawan, yung parang Christmas light pag tinamaan ng liwanag ng araw, kumukutitap ba? Hello? Kamusta ka naman, tol! Gusto mo talagang manakawan sa lagay na yan.
kung medyo bulky dahil sa malaking halaga ang dala mong budget (nag-budget ka pa sa lagay na yun) para mamili ng mga regalo sa Divisoria, itago ito sa iyong sapatos o medyas. Hehe! Siguraduhin mo lang na di pa nalalaban ng ilang araw ang medyas mo para kung sakaling magkagipitan at nalaman ng magnanakaw kung nasaan ang pera mo, ibigay mo pati yung medyas mo. Tignan ko lang kung di nya ibalik yan.
iayos ng mabuti ang pera sa wallet or coin purse, yung madaling makuha ng isang hugutan lang ng kamay mo sa bulsa mo. Paghiwa-hiwalayin ang mga pera ayon sa mga mukha ng bayani nito.
dumistansya o mas mabuting wag ng lumapit sa mga lugar na maraming tao kahit merong libreng chessburger dito. Karaniwan na nandun ang masasamang loob, pati laman loob nila masama. Umaaligid sila na parangmga langaw at bangaw sa isang tumpok na ebak. Ganun sila katindi.
kapag nadukutan, humiyaw kaagad, humingi ng saklolo yan ay kung merong sasaklolo talagang mga pulis, tanod, bantay, etc. na kung saan kasabwat sila ng mga magnanakaw. Hehe!
at kung sakaling nahuli mo o may nakahuli sa magnanakaw, syempre, isa lang naman ang dapat mong gawin. Ang gumanti di ba? Bigyan siya ng isang mala-buhat araw na bayo sa likod o bigyan siya ng mala-impyernong sipa sa bayag!
Okey, tama na tayo sa mga walang kakwenta-kwentang kuwento tulad nila. Kung merong kayong budget para bigyan ng tig-iisang PSP ang lahat ng 100 inaanak ninyo kasama pa roon ang ilang alalay nila, paano naman sa mga taong talagang halos tuwing pasko lang nakakatikim ng cheese hotdog na tulad ko? (H-ha! D-di kayo naniniwala? Sige, yung iba na nga lang) anyways, heto naman ang ilang masasabi ko tungkol sa bagay na yan:
Mag-ipon. Lahat ng tao, tamad mag-ipon. Wala pa akong nakikitang tao o nabalitaan mang yumaman mula pagka-sanggol e nakapag-ipon siya at nakapagpatayo siya ng sarili niyang bahay, nakabili ng Honda Civic, blah-blah, etc.
Ilista, hindi sa tubig, ang mga iluluto sa Noche Buena, mula sa mga sangkap hanggang sa mga gagamting utensils kung sakali. Gumamit din ng mga alternative na sangkap kung sakaling kuripot ka talaga.
Sa mga ganitong panahon din dumadalas ang mga SALE ng mga malls kung saan akala mo nakatipid ka dahil mababa ang price pero sa dami ng nabili mo umabot pa rin sa laki ang gastos mo. Wais talaga ang mga Intsik na yan! Mamili na lang kayo sa Divisoria, mura na at marami pang snatchers.
On to the Christmas Parties, kris-kringle, bonito-bonita (na hindi ko alam kung sino sila?) pwede namang liitan lang ang amount ng contribution para dito at subukang bumili ng mga pagkaing panghanda na pang maramihan talaga.
Huwag ng magbigay ng aginaldo pagkatapos ng Pasko o pagkatapos ng kung ano man yan lintek na Three Kings na yan. Yung iba kasi kesyo galing sila sa malalayong lugar tulad ng Mars kaya ngayon lang daw nakadalaw sa mga ninong\ninang nila. Aba? Mahiya naman kayo kung pupunta kayo sa mga ninong\ninang ninyo ng February o March.

Miyerkules, Oktubre 29 2008

Nobyembre 1

Nobyembre 1, ito ang araw ng mga santo dito Pilipinas kasabay nito kinabukasan ang araw ng kaluluwa kung saan nagkakaroon ng mga reunion ang iba’t-ibang pamilya, mga buhay man o patay. Di ito biro at di ko trip manakot. Meron talagang mga pangyayaring di kayang ipaliwanag ng pangkaraniwang pag-iisip ng isang tao. Batay na rin sa ilang nakikita natin sa paligid, at sa mga samu’t-saring naririnig sa kung kani-kanino, naiisip mo bang…di ka nag-iisa?

Sinong di nakakaalam sa mga engkanto, kapre, manananggal, aswang, atbp? Mula pagkabata hanggang tubuan ako ng buntot alam ko ang mga ito. At alam ko rin sa ngayon na sila ay nag-e-exist kasama natin. Bakit di sila nakikita? Shy type ba silang mga nilalang? O baka naman nakikita mo na pala, iniisip mo lang na namamalikmata ka lang.

Paano nga ba sila makikita? Kailangan ba ng special gadget para makita sila? Saan sila matatagpuan? Kelangan bang bumiyahe sa Capiz, dahil naroroon daw ang mga tunay na angkan nila? Hindi ko alam. Ito’y mga sabi-sabi lamang. Pero maski dito sa Maynila, sa paligid lang meron ka ng makikitang mga aswang. Oo, mga naka-uniform pa nga silang kulay blue e.

Base sa isang ilang artikulong binasa ko kunwari sa ilang libro at internet, ang mga taong merong malakas na ispirituwal na kapangyarihan lamang ang kayang makakita ng mga nilalalang na tulad nila. Hindi ito si Eugene sa anime na Ghost Fighter. Ang sinasabi ko rito ay ang mga taong bukas ang third eye. Hindi rin si Vincent ng Ghost Fighter at hindi ako namimilosopo.

Sa ibang merong bukas ang third eye, iniisip nilang sila’y nasisiraan ng bait. Sa dinami-dami ba naman ng tao sa mundo, di ka kaya manghilakbot kung araw-araw mong makikita ang mga taong naaagnas pero kinaka-usap ka? Yung bang nag-iisa ka lang at bigla na lang susulpot sa tabi mo at maghihingi ng baon mong Fita? Isa lang ang masasabi ko sa inyo, hindi yan isang curse (ah, English yun! Nose Bleed!) isa yang regalo ng Maykapal sa inyo.

Ang karanasang ito ay galing sa aking utol na nurse na laging nagpapagawa ng lay-out sa Friendster.com. Kung di ako nagkakamali, gabi yata ang setting o mga bandang hapon at umuulan. Ito ay base na lamang sa natatandaan ko sa kwento nya. Eksena sa isang pambublikong ospital dyan lamang sa may San Juan:

Tara na! Sa taas na tayo. Hinihintay na tayo ni Mam.”

“Wag mo kaming iwan.”

Halos patakbo nilang binaybay ang makitid na pasilyo papuntang elevator. Nasa loob na sila ng:

“Uy, teka! May humahabol na bata.”

“Buksan nyo! Buksan nyo!” Di pa naman nasasara talaga.”

Sabay pasok ng isang pangkaraniwang bata na may taas daw na pang-7 taong gulang. Basang-basa ito ng ulan at tumutulo sa sahig ng elevator. Alam nilang umuulan sa labas ng ospital ngunit parang wala lang sa batang ito ang mabasa ng ganun at sa tingin nyo ba’y pahihintulutan sya ng mga guwardiya sibil (strikto ang mga guwardiya pag gabi dahil kulang sila ng tulog sa araw dahil nagha-happy- happy sa umaga) sa lagay ng batang ganun?

Pagdating nila sa nakalimutang kong floor, mas nauna pa raw lumabas ang bata kesa sa kanila at biglang lumiko sa unang-unang kanto nito. Saktong duon din sa kantong ito sila liliko. Well, alam nyo na siguro ang nangyari pagkaliko rin nila sa kantong yun. Wala ang bata. At tanging nasalubong daw nila ay ang kanilang Teacher.

“Mam, wala ba kayong nakasalubong na bata na basing-basa ng ulan?”

Wala lamang ang tugon ng guro sa kanila.

Ngayon, gaya ng nasabi ko sa itaas, lahat ng paranormal na pangyayari ay di mo na kelangan pang iluwas ng Maynila. Kung trip nyong matakot, subukan nyo ang mga lugar na sasabihin ko:

v Balite Drive – dito nagpapakita ang isang white lady. Sinasabing isa itong biktima ng rape noong panahong ng Hapon. Karaniwang nakakakita dito ay mga taxi driver na inaabot ng wee-wee time duon mismo sa Balite Drive.

v Sa mga buildings na may 13th floor – karaniwan nang pinamumugaran ito ng mga bad spirits. Minsan pati bad odor ng kasilyas ng isang kumpanya nandito rin.

v Sementeryo – i-try nyo, mga alas-12 ng hatinggabi. Merong mga umaalulong dyan. Not exactly alulong if you know what I mean…

v Ospital – sa mga madilim na daanan. Kung meron mang ilaw dito at bigla na lang kukurap-kurap, minsan may dumadaan ditong lost ghost. Pwede ka ring maglagi sa morgue.

v Inabandonang mga gusali – minsan gusto rin ng mga lonely ghost ng pagsasaya kaya nag-iipon-ipon sila sa isang gusali at nagpa-party!

Pero alam nyo ba kung saan mas maraming multo, engkanto, aswang, maligno, at lahat na yata ng evil spirits? Pindutin nyo ang link na ito.